Huwebes, Marso 2, 2017

KABANATA II SA ILALIM NG KUBYERTA


IKALAWANG KABANATA

SA ILALIM NG KUBYERTA





                                                      BUOD


   Sa ilalim ng kubyerta matatagpuan ang karamihan ng tao na hindi masyadong may kaya sa buhay. Dito nagtitipon ang mga mahihirap na tao. Hindi katulad ng na sa itaas sa kubyerta kung saan lahat ng mayayaman ay nagsasaya at umiinom ng mamahaling mainom.

   May dalawang matatalino at mahuhusay na estudyante na sina Basilio at Isagani. Sila ay nag-uusap tungkol sa akademyang ipapatayo. Ang akademyang ito ay tungkol sa pagtuturo ng Kastila. Dumating si Kapitan Basilio at nakisawsaw sa usapan ng dalawa, at sinabihan sina na ang akademyang ito ay hindi magtatagumpay. Ngunit malakas ang kanilang paniniwala na ito ay magtatagumpay. Walang nagawa si Kapitan Basilio at siya ay umalis sa usapan.

   Pag-alis ni Kapitan Basilio ay dumating naman si Simoun. Ipinakilala ng estudyanteng si Basilio si Isagani kay Simoun ngunit hindi magkasundo ang loob ng dalawa. Ito ay tungkol sa hindi na pagdalaw ni Simoun sa lalawigan ni Basilio dahil ang lugar na ito ay mahirap at di makabibili ng alahas. Ito ay dukha dahil ang mga pari ay puro Pilipino. Ipinaglaban ni Isagani ang kaibigan at matigas na tumutol kay Simoun. Para maiwasan ang gulo sa usapan, nag-anyaya si Simoun na uminom ng serbyesa. Subalit ang dalawa na si Isagani at si Basilio ay tumanggi dahil ito ay hindi nakakabuti sa usapan. Hindi nagkaintidihan si Simoun at sina Basilio at Isagani at napag-usapan ang isang tula ni Isagani na ukol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo ng makina.

   Nang umalis si Simoun sa mainit nag pag-uusap, nakilala ni Isagani ang siyang tinatawag na Kardinal Moreno. Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Ngunit nakita nakita ni Kapitan si Padre Florentino at iniyayahang pumunta sa ibabaw ng kubyerta.

TAUHAN


Basilio – Isang makisig na mag-aaral ng medisina at kilala na dahil sa kahusayan niya sa paggagamot.
Isagani – Isang matalinong makatang na nakatapos ng Ateneo.
Kapitan Basilio – May katandaan, negatibong pananaw sa pangyayari
Simoun - Sinasabihang kasing-kapangyarihan ng “Kardinal Moreno”
Padre Florentino – Isang paring Filipino, anak-mayaman, kahit kailan hindi niya ambisyon maging pari, ito lamang ay bunga ng pamimilit ng kanyang ina.


SULIRANIN


   Sa kabanatang ito makikita ang diskriminisasyon sa mahirap at mayayaman. Hinusgahan ni Simoun ang kakayahan ng mga mahihirap at ng mga kabataan at bumitaw ng mga masasakit na salita na siyang nakakaapekto ng isang tao. Ito ay kawalan ng suporta sa kung anumang desisyon mayroon sa ikinabubuti ng lahat ng tao. Sa kubyerta mismo makikita ang hindi pagkapantay-pantay ng mga tao na siyang makikita hanggang ngayon. 

ISYUNG PANLIPUNAN


A.   Ang pagiging negatibo ni Kap. Basilio ukol sa Akademya – Ipinapakita lamang nito na isa sa mga sakit sa lipunan ay ang kawalang suporta sa mga programa, gawain at mga patakarang may kinalaman sa kabutihan ng mga mamamayan. Ito rin ay sumisimbolo sa mga taong tumutuligsa sa mga pangyayari, sitwasyon, mga usapin ng bansa sa halip na ito ay tulungan at suportahan ay ito ay pinabatikos kaya nagkakaroon ng dibisyon sa lipunan.

B.   Akademya ng Wikang Kastila – Pinapakita na ang mga mahihirap na kabataan ay gustong magkaroon ng paaralan at edukasyon na siyang makapaggaganda ng kanilang buhay at kinabukasan.

C.   Ang pagkakaroon ng dibisyon sa kubyerta – Hanggang ngayon, makikita pa rin ang paghahati sa lipunan ng mga mayayaman at mahihirap na tao. Ipinapkita sa kabanata na nagsisiksikan ang mahihirap sa ilalim ng kubyerta habang nagsasayahan ang mahihirap na nasa itaas.

D.   Pagdiskrimina ni Simoun sa lalawigan ni Basilio – Diskriminisasyon ang isa sa suliranin ng ating bayan. Pinapamukha ng mga mayayaman kung gaano sila kay may kaya sa lahat at kung bakit nanatiling hindi maginhawa ang pamumuhay ng mga mahihirap.


GINTONG ARAL


Huwag maliitin at husgahan ang kakayahan ng isang tao. Lahat ng indibidwal ay may pangarap at walang sinumang karapatan ang magtutol nito. Bawat tao ay natatangi, subalit ang lahat ng tao ay pantay-pantay pa rin. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento